nandito ka

Pigsa Cure: Ano ba ang dapat gawin upang epektibong malunasan ang pigsa?

loading...

Ang pigsa ay isang kondisyon ng pagkakaimpeksyon ng balat na sanhi ng bakteryang Staphylococcus. Ito ay makikita bilang isang bukol kung saan may nana sa gitnang bahagi. Ito ay mahapdi at masakit at hindi kaaya-ayang tingnan. Dahil dito, maraming tao ang naghahanap ng agarang lunas sa kondisyong ito. Ano nga ba ang mga epektibong pigsa cure? Heto ang ilang bagay na dapat gawin na maaaring makalunas sa pigsa.

Hot compress

Kumuha ng isang kapirasong malinis na tela at ibabad ito sa mainit na tubig. Hayaang maabsorb ng tela ang init mula sa tubig. Pagkatapos nito ay pigain ang tela at ilapat sa pigsa. Diinan ng kaunti ang paglalagay ng hot compress sa bahaging may pigsa. Gawin ito sa loob ng lima hanggang sampung minuto. Ulitin ito ng tatlong hanggang apat na beses sa isang araw.

Kapag nasa bandang ibaba ang pigsa, maaaring ibabad ang bahaging may pigsa sa isang hot bath. Nakakatulong ito upang maibsan ang hapdi at sakit ng pigsa. Makakatulong din ito sa pagpapalabas ng nana mula sa mata ng pigsa. Ayon sa mga pag-aaral, ang init mula sa hot compress ay nakakatulong sa sirkulasyon ng dugo at nakakapagdala ito ng mga white blood cells upang maiwasan ang impeksyon at mas mapadali ang paggaling ng pigsa.

Turmeric

Ang turmeric ay itinuturing bilang natural na tagapagpadalisay ng dugo. Mayroon itong abilidad na mapagaling ang pamamaga kaya ito ay mabisa para sa pigsa. Maaari itong inumin ng nasa kapsula o kaya ay ihalo sa kaunting tubig upang makabuo ng malagkit na mixture at ilagay sa pigsa. Kailangan na takpan kaagad ito dahil nakakamantsa ito sa damit. May isa pang paraan ang maaaring paggamitan ng turmeric. Ito ay ang paggawa ng herbal mix. Paghaluin ang isang kutsarang turmeric at isang basong gatas o tubig. Inumin ito tatlong beses sa isang araw.

Tea Tree Oil

Ang tea tree oil ay mabisang antiseptiko at ginagamit bilang lunas sa maraming problema sa balat katulad ng pigsa. Ang palagiang paggamit nito ay makapagpapabilis ng paggaling ng pigsa at nakakapagbibigay ng ginhawa mula sa hapdi ng pamamaga ng balat. Kumuha ng bulak at ilublob ng kaunti sa tea tree oil. Direkta itong ilagay sa pigsa. Gawin araw-araw hanggang sa gumaling ito.

Castor Oil

Ang Castor Oil ay isa ring mabisang antiseptiko at pigsa cure. Ito ay ginagamit sa mga chemotherapy ng mga pasyente may kanser dahil sa marami nitong paggagamitan. Naiibsan nito ang pamamaga ng pigsa bilang ito ay anti-inflammatory. Kumuha ng bulak at katulad ng sa tea tree oil, ilublob ito ng kaunti sa castor oil at direktang ilagay sa pigsa.

Gatas

Matagal nang ginagamit ang gatas bilang mabisang lunas sa pigsa. Kumuha ng isang basong gatas at initin ito. Pagkatapos, haluan ito ng tatlong kutsaritang asin. Upang maging mas malapot, haluan ito ng harina. Ilapat ito sa pigsa. Para sa mas mabilis na resulta, gawin ito ilang beses sa isang araw.

Apple Cider Vinegar

Ang apple cider vinegar ay natural na pamatay ng mikrobyo na maaaring gamitin bilang panlinis ng pigsa upang maiwasan ang karagdagang impeksyon sa panahong nagsisimula ng lumabas ang nana mula rito. Maglublob ng isang bulak sa apple cider vinegar at ilapat ito sa pigsa. Kapag nakaramdam ng sakit at hapdi, maaaring ihalo muna ito sa tubig bago ilapat sa pigsa.

Epsom salt

Isang mabisang paraan ng pagpapabilis ng pagtuyo ng pigsa ay ang paggamit ng Epsom salt. Tunawin ang Epsom salt sa maligamgam na tubig at gamitin ito bilang hot compress para sa pigsa. Ulitin ng tatlong beses sa isang araw hanggang sa matuyo ang pigsa. Pwede ring gamitin ang Epsom salt sa hot bath. Punuin ang iyong bath tub ng maligamgam na tubig at lagyan ito ng Epsom salt. Gamitin ito sa pagpaligo. Makakatulong ito na madaling gumaling ang iyong pigsa.

Indian Lilac (Neem)

Ang Indian Lilac ay isang puno na nabubuhay sa Pilipinas at mas kilala sa tawag na Neem Tree. Maaaring gamitin ang dahon nito dahil sa pagiging antiseptiko, antimicrobial at antibacterial nito. Nakakatulong ito sa pagpapagaling ng pigsa at iba pang impeksyon sa balat. Durugin ang ilang dahon nito upang makagawa ng paste. Ilapat sa parteng may pigsa. Pwede ring magpakulo ng dahon nito hanggang sa umabot sa one-third ng tubig na lamang ang natitira. Gamitin ito sa paghuhugas ng pigsa.

Black Seed (Kalonji)

Ang black seeds ay maaari ding gamitin sa medikal na paraan.Nakakatulong ito sa pagpapagaling ng ilang sakit katulad ng pigsa at iba pang impeksyon sa balat. Nakakatulong din ito na maibsan ang sakit na dulot ng pigsa. Kumuha ng ilang black seeds o kalonji at durugin ito hanggang sa maging paste. Gamitin ito sa apektadong bahagi. Maaari ding pakuluan ang black seeds bago ilapat sa pigsa. Pwede ring ihalo sa inumin ang black seeds. Kumuha ng kalahating kutsaritang black seed oil at ihalo ito sa kahit anong malamig o mainit na inumin. Inumin ito ng dalawang beses sa isang araw.

Bread Poultice

Isa ang tinapay sa pinakamadaling makuhang pigsa cure. Kumuha ng isang hiwa ng tinapay at ibabad ito sa mainit-init na gatas o kaya ay maligamgam na tubig. Ilagay ang nababad na tinapay sa pigsa ng ilang minuto. Makakatulong ito na maibsan ang pamamaga ng pigsa at mapalabas ang nana. Ang init na makukuha mula rito ay nakakatulong sa sirkulasyon ng dugo sa bahaging ito at nakakapagdala ng mga white blood cells na siyang lumalaban sa mga impeksyon sa katawan. Ulitin ng dalawang beses sa isang araw upang mas mapadali ang paggaling ng pigsa.

Sibuyas

Ang sibuyas ay mabisa ring pigsa cure. Ito ay antimicrobial at antiseptic . Maghiwa ng sibuyas at direkta itong ilagay sa pigsa. Takpan ang pigsa na may sibuyas upang ang init na galing dito ay makapasok sa apektadong bahagi. Ulitin ito ng tatlo hanggang apat na beses sa isang araw upang maging mas madali ang paglabas ng nana at pagtuyo ng pigsa.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pigsa Cure: Ano ba ang dapat gawin upang epektibong malunasan ang pigsa?
4 (80%) 1 vote

loading...