nandito ka

Pigsa sa Kilikili – Mga Bagay na Dapat Gawin

loading...

Ang pigsa sa kilikili ay kadalasang dahil sa isang kondisyong tinatawag na “hidradenitis suppurativa”. Ang impeksyong ito ay lumalabas kapag naharangan ang mga hair follicle sa ilalim ng braso . Ang impeksiyon na ito ay lumilikha ng malalaking lesions na nabubuo sa ilalim ng kilikili at karaniwang puno ng isang malinaw na likido na tinatawag na nana. Nakakahawa ito at ang mga nahawaang lugar ay maaaring maging mapula at magkakaroon ng pamamaga. Maaari din itong mairritate kapag nakukuskos sa damit. Ang sinumang nakakaranas ng pigsa sa kilikili ay maaaring makaramdam ng sakit at hapdi sa bahaging ito.

Narito ang ilan sa mga sanhi ng pagkakaroon ng pigsa sa kilikili:

  • Poor hygiene- Ito ay maaaring maging sanhi ito ng pigsa sa kilikili dahil maiipon ang dumi sa hair follicle lalo na kapag hindi regular ang iyong paglilinis ng katawan. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng pigsa. Maaaring magkaroon na ng maliit na bukol sa kilikili. Magkakaroon na ito ng naipon na nana sa loob ng bukol. Ayon sa Better Health Channel, ang pigsa sa kilikili ay maaaring mangyari dahil sa buildup ng mga patay na selula ng balat at bakterya sa balat sa ilalim ng braso . Kapag nagkasugat sa bahaging ito, maaaring kapitan ito ng bakterya na siyang magiging sanhi ng pigsa.
  • Pag-aahit ng Kilikili- Ang sobrang pag-aahit ay isa sa mga dahilan ng pigsa sa kilikili. Ito ay dahil kapag sobra ang pag-aahit sa kilikili, nagkakaroon ng ingrown hair na nagreresulta sa pigsa. Ayon sa New York University Langone Medical Center, ang bukol ay unti-unting lalambot at lalabas ang nana mula dito. Ngunit kailangan ding tandaan na dapat na itong ipakonsulta sa doktor kapag ito ay may kasama nang lagnat. Ang pigsa ay maaari ding maging nakakahawa kapag binutasan at pinilit na palabasin ang nana.
  • Impeksyong dulot ng Staphylococcus- Ang bakteryang ito ay nakikita sa mga bahagi ng katawan na mamasa-masa katulad ng ilong, kilikili at iba pa. Kapag nagkasugat ang mga bahaging ito, papasok ang bakteryang ito na siyang magdudulot ng impeksyon at magiging pigsa. Madalas na nagkakaroon ng impeksyong dulot ng Staphylococcus ang mga bahaging mabuhok katulad ng kilikili. Nagagamot naman ito kahit nasa bahay lang.

Ano ang mga Bagay na Dapat Gawin?

  • Iwasan ang stress- Ang pagiging stressed ay nagpapalala lamang ng kondisyong ito kaya iwasang mastress.
  • Itigil ang paninigarilyo- Ang hidradenitis ay madalas nangyayari sa mga taong naninigarilyo kaya mas mainam na itigil na ito.
  • Pumili ng tamang deodorant- May ibang sitwasyon na hindi nakakaapekto ang paggamit ng deodorant sa pagkakaroon nila ng pigsa ngunit may iba namang pinapayuhan na huwag munang gumamit nito.
  • Maglapat ng warm compress sa pigsa- Nakakatulong ang init sa pagpapabuti ng daloy ng dugo sa apektadong bahagi. Nakakatulong din ito na mapabilis ang paggaling ng pigsa at maibsan ang pamamaga. Maaari ding maligo sa maligamgam na tubig lalo na kapag marami ang pigsa sa iyong katawan.
  • Magpatingin sa doktor- Gawin ito kapag malala na ang iyong pigsa, mapula at sobra nang namamaga ang pigsa at nilalagnat ka na.

Ilan lamang ito sa mga dapat gawin kapag nagkaroon ng pigsa sa kilikili. Suriin ang website na ito upang malaman ang mga pigsa home remedies na makakatulong sa iyo.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pigsa sa Kilikili – Mga Bagay na Dapat Gawin
4.7 (93.33%) 6 votes

loading...