nandito ka

Pigsa: Sa Ulo, Mukha at Ilong

loading...

Karaniwan ang pagkakaroon ng pigsa sa iba’t ibang parte ng katawan. Ngunit may ilang bahagi ng katawan na tila ayaw mong magkaroon ng pigsa. Ito ay ang mga bahaging palaging nakikita katulad ng mukha at lalo na sa ilong. Nakakabawas raw ng ganda points o pogi points ang pagkakaroon ng pigsa rito. Maging ang ulo ay kadalasan ding tinutubuan ng pigsa. Narito ang ilang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa pigsa sa ulo, mukha at ilong.

Pigsa sa Ulo

Ang pagkakaroon ng pigsa sa ulo o anit ay karaniwang nangyayari dahil ang pigsa ay mas madalas na nagaganap sa bahagi ng katawan na mabuhok; ang mga hair follicles nito ay maaaring maging dahilan ng impeksyon. Maaari itong maging makati o masakit. Kapag mayroong pigsa sa ulo, maaaring mahihirapan tayo sa mga bagay na madalas nating gawin tulad ng pagsusuklay o pag-ayos nang buhok. Mahirap din na malaman agad kapag may pigsa sa ulo dahil hindi mo ito nakikita. Tandaan na maaari ka paring makaroon ng pigsa sa iyong anit kahit na ikaw ay kalbo dahil hindi sa lahat ng panahon na ang hair follicles mo ang sanhi nito.

Pigsa sa Mukha

Kadalasan sa mga lalaki ang nagkakaroon ng pigsa sa mukha dahil sa madalas na pag-aahit. Ang mga ingrown hair ang nagsisilbing trigger sa pagkakaroon ng pigsa sa mukha ng lalaki na parang acne. Karaniwang sanhi nito ay ang mga bakterya, tulad ng Staphylococcus at Pseudomonas. Ang mga mikrobyong ito ay maaaring nasa normal na balat at pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng maliit na mga sugat sa balat o kaya ay sa hair follicles.

Pigsa sa Ilong

Ang pigsa ay sadyang napakasakit; lalo na kapag matatagpuan ito sa loob ng ilong. Kapag may pigsa sa ilong, nalilimitahan ang iyong paghinga. Bukod sa pagdudulot nito ng sakit, maaaring humantong ito sa impeksyon sa ilong dahil sa bakteryang naipon dito. Isang sanhi ng pagkakaroon ng pigsa sa ilong ay kapag nasobrahan ang paggawa ng oil ng mga glands sa katawan.

Ano ang mga sanhi ng pigsa?

Kadalasan ng mga pigsa ay sanhi ng bakteryang Staphylococcus. Maaaring magkaroon tayo ng uri ng bakteryang ito sa ating balat. Ang bakteryang ito ay naghihintay lamang na masugatan ang isang tao upang makapasok ito sa katawan sa pamamagitan ng sugat. Maaari din itong pumasok sa pamamagitan ng mga hair follicles. Kapag naipon na ang bakteryang ito sa ating balat, nagreresulta ito sa impeksyon na nagiging sanhi naman ng pagkakaroon ng pigsa. Maliit na bukol lamang ang karaniwang simula ng pigsa, na madalas ay kahawig ng isang tagihawat. Kapag ito ay naimpeksiyon, nabubuo ang isang paltos, o bulsa ng nana , na maaaring lumaki sa laki ng isang golf ball o kahit na mas malaki. Mas madalas na magkaroon ng pigsa ang mga taong may diabetes, mababang nutrisyon, problema sa immune system at poor hygiene. Lahat at maaaring tamaan ng pigsa kaya kailangan tayong gumawa ng ilang bagay upang maiwasan ito. Basahin sa website na ito ang ilang artikulong naglalahad ng iba pang detalye tungkol sa pigsa.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pigsa: Sa Ulo, Mukha at Ilong
2 (40%) 1 vote

loading...