nandito ka

Paano ba Malulunasan ang Pigsang Walang Mata?

loading...

Ang pigsa o boils ay isang impeksyon sa balat na nagsisimula sa hair follicle o oil gland. Maaaring singliit lamang ito ng buto ng sitaw o kaya ay singlaki ng bola ng golf. Maaari din itong tumubo sa kahit anong parte ng katawan. Ang balat na may impeksyon ay mamumula at magkakaroon ng pamamaga. Ang pamamagang ito ay magiging kulay puti, senyales na may namuong nana sa ilalim ng balat. Ito ay nangyayari sa loob ng apat hanggang pitong araw. Ang pigsa ay kadalasang nagagamot lamang sa bahay at hindi ganoon kaseryoso subalit ito ay nagdudulot pa rin ng sakit at hapdi.

Ano ba ang mata ng pigsa?

Ang mata ng pigsa ay ang kulay puti na bahagi ng pigsa na nagpapakitang may namuong nana sa ilalim ng balat. Kailangan na mapalabas ang nana mula sa pigsa upang matuyo ito ay tuluyan nang gumaling. May ilang kaso din naman na walang mata ang pigsa. Ano ang dapat gawin kapag ang mayroon kang pigsa na walang mata? Minsan ay wala kang makikitang “mata” sa pigsa at siyang nakakapagpahirap sa ilang kaso dahil hindi ito madaling gumaling. Madalas namang lumilitaw din ang mata ng pigsa pagkatapos ng tatlong araw. Ngunit may ilang sitwasyon din na ang pigsang walang mata ay gumagaling ng kusa kahit hindi napalabas ang nana.

Paano ba lulunasan ang pigsang walang mata?

May ilang paraan upang lunasan ang pigsang walang mata. Nakakatulong ang ilang mga home remedies para mapalitaw ang mata o kaya ay pagalingin ang pigsa kahit na hindi lumabas ang nana. Narito ang sumusunod na mga home remedies na nakakapagpadali ng paggaling ng pigsang walang mata:

Una, labanan ang impeksyon upang madaling lumitaw ang mata ng pigsa o gumaling ito kahit hindi napalabas ang nana. Ibabad ang apektadong bahagi sa maligamgam na tubig na hinaluan ng Epsom salt. Nakakatulong ang Epsom salt upang mapabilis ang paglitaw ng mata ng pigsa at paglabas ng nana. Maaari ding tunawin ang sangkapat ng basong Epsom salt sa dalawang basong maligamgam na tubig. Gayahin ang pamamaraan ng paglalapat ng warm compress. Ilapat ito ng 10 hanggang 15 minuto. Gawin ng ilang beses sa isang araw. Maaari ding gumawa ng warm compress gamit lamang ang maligamgam na tubig. Ang paglalapat ng init sa pigsa ay nakakapagpabuti sa sirkulasyon ng dugo sa bahaging may pigsa at nakakatulong sa puting selula ng dugo na malabanan ang impeksyon. Ulitin ito ng ilang beses sa isang araw hanggang sa lumitaw ang mata o gumaling ang pigsa.

Para sa ilang kaso na hindi na kayang pagalingin ang pigsa kapag hindi napalabas ang nana, maaaring subukan ang iba pang home remedies katulad ng:

  • Turmeric – Nakakatulong ito na mapalabas ang nana mula sa pigsa. Ihalo ang turmeric powder sa kaunting tubig upang makagawa ng paste. Ilapat ito sa pigsa ng 20 hanggang 30 minuto bago hugasan. Ulitin ng ilang beses sa isang araw.
  • Milk Cream – Ito ay nakakatulong sa pagpapalabas ng nana mula sa pigsa at nakakapagpabilis ng paggaling. Maglagay ng milk cream sa pigsa at hayaan muna ng 30 minuto. Ulitin lng ilang beses hanggang sa gumaling.

Para sa iba pang epektibong home remedies, ibrowse ang website na ito at sana ay matulungan kayo sa paghahanap ng lunas para sa iyong pigsa.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Paano ba Malulunasan ang Pigsang Walang Mata?
4.3 (85%) 8 votes

loading...