nandito ka
Pigsang Dapa: Ano Ang Gamot Sa Pigsang Dapa Uri ng Pigsa 

Pigsang Dapa: Ano Ang Gamot Sa Pigsang Dapa

loading...

Ang pigsa ay isang uri ng sakit sa balat na nagsisimula sa mga paanan ng mga balihido sa balat. Ito ay pangkaraniwan nang isang bukol na puno ng nana na umuumbok sa ibabaw ng balat. Ang pigsa ay may iba’t ibang sukat at anyo, ito ay maaaring kasing laki lamang ulo ng karayom at pwede namang maging napakalaki tulad ng isang bola sa golf na maaaring tumubo saan mang bahagi ng iyong katawan. Alam mo ba ang tinatawang na pigsang dapa o pigsang taob? Ito ay isang uri ng pigsa na hindi gaanong maaling mahalata sapagkat ito ay hindi umuumbok. Sinasabing ito ay nakataob dahil ang nana ay namumuo sa ilalim ng balat.

Ang pigsang dapa ay mapanganib dahil madali itong mabaliwala sapagkat ito’y hindi gaanong halata. May mga ulat dito lamang sa Pilipinas na may mga taong namatay dahil sa pagpapabaya sa pigsang dapa.

Kung ikaw ay may pigsa, anu-ano baa ng dapat mong gawin? Naglista kami ng mga pamamaraan upang lunasan ang pigsa, gayun din ang ilang mga praktikal na kaalaman hinggil sa kung ano ang gamot sa pigsang dapa.

Gamot sa pigsang dapa

Gumamit ng hot compress agad agad kapag napansin mo na may pigsang tumutubo sa balat mo. Ang pagiging maaagap ay susi para hindi na ito lumala at mapigilan ang pagkakaraon ng mabibigat na mga komplikasyon. Gumawa ng hot compress sa pamamagitan ng pagbabad sa isang malinis na tela sa mainit na tubig at pagpatong nito sa balat na may pigsa sa loob ng lima hanggang sampung minuto . Gawin ito ng tatlo hanggang apat na beses kada araw.

Ang init na nasa hot compress ay siyang magpapabilis ng paghinog ng nana. Pagagandahin din nito ang serkulasyon ng dugo sa apektadong bahagi ng katawan na magpaparami ng produksyon ng white blood cells na lumalaban sa impeksyon. Ang init sa compress ay nakatutulong para maibsan ang pamamaga at pananakit. Kung ikaw ay may pigsang dapa, itatama nito ang posisyon kung saan dapat na mamuo ang nana.

Kung ang pisa ay nasa mga kamay o paa, pwede mo naman itong ibabad sa maligamgam na tubig kung komportable ito saiyo. Kung ang pigsa ay nasa baba ng katawan, pwede kang maupo sa maligamgam na tubig.

Huwag mong subukang pisain ang pigsa sa bahay. Baka matukso kang tusukin ito ng karayom ngunit hindi naming irinerekomenda ang paggawa nito sa bahay. Ang pigsa ay madaling mapasok ng mga mikrobyo na magpapalala lamang ng iyong problema. Sa pamamagitan ng paglalagay ng hot compress sa balat, ang pigsa ay kusa na lamang na puputok at mawawala pagkaraan ng ilang araw.

Hugasan ng tubig at sabon ang pigsa kapag ito ay napisa para hindi ito humawa sa iba pang parte ng balat. Punasan ito ito ng malinis na tissue paper o paper towel at itapon agad pagkatapos para maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.

Kailan dapat kumunsulta sa doktor

Bagaman ang pigsa ay kusang nawawala sa loob ng ilang araw, tiyaking makipag usap sa doktor kung napansin mong meron kang pigsang dapa at hindi ito gumaling sa loob ng dalawang linggo. Kapag ito ay hindi gumaling, ito ay maaaring may impeksyon at malamang na kailanganin ng doktor na ito ay operahin para mailabas ang nana. Ang ilan sa mga kilalang palatandaan ng impeksyon ay ang matinding pamumula, lagnat at pananakit ng pigsa.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pigsang Dapa: Ano Ang Gamot Sa Pigsang Dapa
5 (100%) 2 votes

loading...