nandito ka
Alamin – Sampung Pigsa Home Remedies Pigsa Cure 

Alamin – Sampung Pigsa Home Remedies

loading...

Ang pigsa ay isang impeksyon sa balat na dulot ng bakterya. Ito ay nagdudulot ng sakit at hapdi ngunit hindi naman ito ganoon kaseryoso. Maaaring magamot ang pigsa kahit nasa bahay lang. Narito ang ilang epektibong pigsa home remedies:

  1. Warm Compress – Isa ito sa mga pinakamadaling paraan upang mapagaling ang pigsa. Ang init na nagmumula rito ang siyang nagiging dahilan upang maibsan ang sakit at pamamaga. Ito ay nagpapabuti ng daloy ng dugo sa apektadong bahagi at nakakatulong sa puting selula ng dugo na malabanan ang impeksyon. Paano gumawa ng warm compress? Kumuha ng malinis na tela at ibabad ito sa maligamgam na tubig. Pigain ito at ilapat sa apektadong bahagi. Gawin ito ng ilang beses sa isang araw hanggang sa lumabas ng nana mula sa pigsa. Agad na linisin ang bahaging may pigsa at lagyan ng ointment upang maiwasan ang impeksyon.
  2. Tea Tree Oil – Ang tea tree oil ay isang mabisang pigsa home remedy dahil ito ay antifungal, antiseptic at antibacterial. Paano ito gamitin? Kumuha ng cotton at ibabad ito ng kaunti sa tea tree oil. Ilapat ito sa pigsa. Ulitin ito ng makailang beses hanggang sa gumaling ang pigsa. Ang isa pang paraan ay ang paglalagay ng ilang patak ng tea tree oil sa maligamgam na tubig. Ibabad ang malinis na tela at ilapat sa pigsa na katulad ng warm compress.
  3. Turmeric – Ang pagiging antiseptic at anti-inflammatory ng turmeric ang nagbibigay ng bisa rito sa paggamot ng pigsa. Pinapabilis nito ang paggaling ng pigsa at nakakatulong para maibsan ang sakit na nadarama. Paano ito gamitin? Paghaluin ang turmeric powder at tubig upang makagawa ng paste. Ilapat ang nagawang paste sa pigsa ng 20 hanggang 30 minuto bago ito hugasan. Ulitin ito ng ilang beses sa isang araw. Nakakatulong ito na mapalabas ang nana mula sa pigsa. Maaari ding ihalo ang turmeric powder sa isang baso ng mainit na gatas at inumin dalawang beses sa isang araw upang mabawasan ang pamamaga ng pigsa.
  4. Sibuyas – Ang sibuyas ay natural na antiseptic kaya mabisa itong pigsa home remedy. Madali pa itong makita sa bahay dahil madalas ito isinasahog sa pagkain. Ito ay nakakatulong na malabanan ang impeksyon at nakakapagpabilis ng paggaling ng sugat. Paano ang paggamit ng sibuyas? Hiwain ang sibuyas at ilapat ito sa pigsa. Takpan ito ng tela at palitan ang sibuyas kada dalawa o tatlong oras hanggang sa lumabas ang nana mula sa pigsa.
  5. Neem – Ito ay tinatawag din na Indian lilac o margosa. Ito ay natural na antiseptic at antibacterial. Paano ito gamitin? Hugasan at dikdikin ang ilang dahon ng neem hanggang sa maging paste. Maaari din itong lagyan ng turmeric powder. Ilapat ang paste sa pigsa ng 30 minutos bago hugasan. Gawin ito makailang beses sa isang araw. Isang paraan naman ay ang pagpapakulo ng dahon ng neem at gamitin bilang panghugas ng pigsa ang tubig na pinagpakuluan nito matapos palamigin at salain.
  6. Epsom Salt – Nakakatulong ang Epsom salt sa pagpapabilis ng paglabas ng nana mula sa pigsa. Ito ay mabisa ring pigsa home remedy. Paano gumawa ng Epsom salt solution? Tunawin ang sangkapat ng basong Epsom salt sa dalawang basong maligamgam na tubig. Gayahin ang pamamaraan ng paglalapat ng warm compress. Ilapat ito ng 10 hanggang 15 minuto. Gawin ng ilang beses sa isang araw.
  7. Cornmeal – Ito ay maaari ding gamitin sa paggamot ng pigsa. Paano? Ihalo ang isang kutsarang cornmeal sa mainit na tubig upang makagawa ng paste. Ilagay ang paste sa pigsa at takpan ng tela ng 20 minuto. Ulitin makailang beses sa isang araw hanggang lumabas ang nana mula sa pigsa.
  8. Apple Cider Vinegar – Ito ay natural na antiseptic at nagsisilbing antimicrobial na nakakatulong na labanan ang impeksyon. Maghalo ng apple cider vinegar sa tubig. Ibabad ng kaunti ang cotton dito at ilapat sa pigsa. Ulitin ng ilang beses sa isang araw.
  9. Bawang – Ang bawang ay isa sa mga pinakaepektibong pigsa home remedy dahil sa ito ay antibacterial. Paano gamitin ang bawang? Durugin ang dalawa o tatlong cloves ng bawang at gamitin ang katas para sa pigsa. Ilapat ito gamit ang cotton. Ulitin isa hanggang dalawang beses kada araw.
  10. Milk Cream – Ito ay nakakatulong upang mas mapabilis ang paglabas ng nana mula sa pigsa at nakakapagpabilis ng paggaling. Paano ito gamitin? Maglagay ng milk cream sa pigsa at hayaan muna ng 30 minuto. Ulitin lng ilang beses hanggang sa gumaling.

Kailangan pa ding tandaan na mahalaga ang kalinisan upang mapabilis ang paggaling ng iyong pigsa. Sunding maigi ang mga pigsa home remedies na nakasaad dito. Kapag hindi gumaling o kaya ay lumala ang pigsa, marapat na magpakonsulta na sa doktor upang mabigyan ng agarang lunas.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Alamin – Sampung Pigsa Home Remedies
3.8 (75%) 4 votes

loading...