nandito ka
Pigsa sa Ari ng Babae – Paano Malulunasan? Uri ng Pigsa 

Pigsa sa Ari ng Babae – Paano Malulunasan?

loading...

Ang pigsa sa ari ng babae ay tinatawag ding genital boils. Ito ay isang seryosong kondisyon dahil sa lokasyon nito na maaaring magkakomplikasyon. Bilang ang pigsa ay dulot ng bakteryang Staphylococcus, maaari itong kumalat sa ibang parte ng ari ng babae at maaaring makapasok sa loob ng katawan. Ngunit huwag masyadong mabahala kung mayroon kang pigsa sa iyong ari. Narito ang ilan sa mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa pigsa sa ari ng babae.

Ano ang sanhi ng pigsa sa ari?

  • Sobrang produksyon ng sebum o oil – Nagreresulta ito sa pagbara ng mga oil glands sa bahaging ito at kapag ang mga oil glands ay napasukan ng bakterya, magkakaroon ito ng impeksyon na nagdudulot ng pigsa sa ari.
  • Ingrown hair – Maaaring masugatan ang mga pores ng buhok sa ari kapag nag-aahit. Maaaring makapasok ang bakterya at maimpeksyon ang mga hair follicles na nagiging pigsa sa ari.
  • Sugat – Maraming dahilan ng pagkakasugat ng loob o labas ng ari ng babae. Maaaring dahil sa masikip na underwear ang pagkakasugat nito. Kahit gaano kaliit ang sugat na ito, maaaring gawing daan ito ng bakterya upang makapasok sa katawan at magreresulta ito ng pigsa.
  • Toxin sa katawan – Ang pagkakaroon ng maraming toxin sa katawan ay maaaring maging sanhi ng break out sa balat katulad ng pigsa.

Paano maiiwasan ang pigsa sa ari?

Ang pagpapanatili ng kalinisan sa katawan ay isang mahalagang salik upang maiwasan ang pagkakaroon ng pigsa. Lalong mahalaga ito sa mga pribadong parte ng ating katawan. Hindi lamang pigsa ang maiiwasan nito; kalakip na din ang pangangamoy at pangangati ng ari ng babae. Marapat ding maligo araw-araw at gumamit ng natural na feminine wash. Magpalit kaagad ng damit kapag galing sa ehersisyo o kaya ay kapag masyadong pinagpawisan. Gamutin kaagad kapag may napansing sugat at agad na lapatan ng lunas kapag may sintomas na ng pigsa.

Paano gamutin ang pigsa sa ari?

Nakakatulong ang paglalapat ng warm compress upang maibsan ang hapdi at sakit na dulot ng pigsa sa ari ng babae. Napapabilis din nito ang paggaling ng pigsa. Kapag ang pigsa naman ay nasa loob ng ari, maaaring gumawa ng sitz bath. Lagyan ng kalahating baso ng asin ang tubig na nasa tub. Dapat katamtaman lang ang tubig sa tub. Gawin ito ilang beses sa isa araw hanggang sa gumaling ang pigsa.

Maaari ding gumamit ng turmeric powder para gamutin ang pigsa. Isang paraan ay ang paggawa ng paste gamit ang isang kutsaritang gatas, kalahating kutsaritang suka, kaunting asin at turmeric powder. Ilapat ito sa pigsa at takpan ng gasa sa loob ng kalahating oras. Maaari ding gumawa ng paste gamit ang isang kutsarang turmeric at isang kutsarang mustard oil. Haluin ito at initin. Ilapat ang pinalamig na paste sa pigsa at takpan ng gasa. Gawin ng dalawang beses kada araw at palitan ang gasa sa tuwing uulitin mo ang proseso. Pwede ding gumawa ng poultice gamit ang hiniwang sibuyas, turmeric powder, kalahating kutsaritang wheat flour at kalahating kutsaritang olive oil. Haluin ito at initin. Ilapat ito sa pigsa. Nakakatulong ito na mapalabas ang nana mula sa pigsa. Gawin ang mga nakasaad na paraan ng paggamot sa pigsa sa loob ng tatlo hanggang apat na araw o hanggang sa gumaling ang pigsa.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pigsa sa Ari ng Babae – Paano Malulunasan?
3.8 (75%) 4 votes

loading...