nandito ka
Pigsa sa Singit – Paano Malulunasan? Uri ng Pigsa 

Pigsa sa Singit – Paano Malulunasan?

loading...

Ang pagkaroon ng pigsa sa singit ay isang hindi kaaya-ayang sitwasyon dahil ito ay nagdudulot ng sakit sa pribadong parte ng katawan at marami ang nahihiyang ilahad ang problemang ito sa ibang tao. Ang pagkakaroon nito ay madalas namang mangyari at hindi dapat masyadong mabahala dahil dito. Ang pigsa ay kadalasang nabubuo sa mga bahaging palaging nakukuskos sa damit tulad ng singit, kilikili at sa ari.

Kadalasang sanhi ng pigsa ay ang bakteryang Staphylococcus. Ganito din ang sanhi ng pigsa sa singit. Ang bakterya ay mas madaling kumalat sa mga lokasyon kagaya ng sa singit na naiipit sa pagitan ng hita at hindi masyadong naaarawan. Ang pag ahit sa lugar malapit sa singit ay maselan at maaaring humantong sa pagkakaroon ng ingrown hairs na nagreresulta sa pigsa. Kung nais mong mag-ahit sa bahagi ng iyong singit, gawin ito sa shower o paliguan habang ang buhok ay basa pa. Gumamit ng isang napakamatalim na labaha at ahitin ito sa direksyon ng paglago ng buhok upang makatulong na maiwasan ang pagkakaroon ng ingrown hairs. Mainam din na gumamit ng sabon na antibacterial para maiwasan ang impeksyon sa bahagi ng singit.

Lunas para sa pigsa sa singit

Maraming maaaring maging gamot para sa pigsa. Dahil sa ang pigsa ay hindi gaanong malalang karamdaman, pwede itong mapagaling kahit nasa bahay lang gamit ang ilang simpleng kagamitan. Narito ang ilang lunas sa pigsa sa singit at paano ito gamitin:

  • Warm Compress- Kumuha ng malinis na tela at ibabad sa maligamgam na tubig. Ilapat ito sa bahaging may pigsa. Huwag pisain ang pigsa dahil maaaring magdulot ito ng karagdagang komplikasyon. Nakakasama ito at nakakapagpalala sa pamamaga at impeksyon. Kadalasang nawawala ng kusa ang pigsa sa singit makaraan ng ilang araw o linggo.
  • Tea Tree Oil- Ang tea tree oil ay isang mabisang pigsa home remedy dahil ito ay antifungal, antiseptic at antibacterial. Kumuha ng cotton at ibabad ito ng kaunti sa tea tree oil. Ilapat ito sa pigsa. Ulitin ito ng makailang beses hanggang sa gumaling ang pigsa.
  • Turmeric- Paghaluin ang turmeric powder at tubig upang makagawa ng paste. Ilapat ang nagawang paste sa pigsa ng 20 hanggang 30 minuto bago ito hugasan. Ulitin ito ng ilang beses sa isang araw. Nakakatulong ito na mapalabas ang nana mula sa pigsa.
  • Sibuyas- Hiwain ang sibuyas at ilapat ito sa pigsa. Takpan ito ng tela at palitan ang sibuyas kada dalawa o tatlong oras hanggang sa lumabas ang nana mula sa pigsa.
  • Neem- Hugasan at dikdikin ang ilang dahon ng neem hanggang sa maging paste. Maaari din itong lagyan ng turmeric powder. Ilapat ang paste sa pigsa ng 30 minutos bago hugasan. Gawin ito makailang beses sa isang araw.
  • Epsom Salt- Tunawin ang sangkapat ng basong Epsom salt sa dalawang basong maligamgam na tubig. Gayahin ang pamamaraan ng paglalapat ng warm compress. Ilapat ito ng 10 hanggang 15 minuto. Gawin ng ilang beses sa isang araw.
  • Cornmeal- Ihalo ang isang kutsarang cornmeal sa mainit na tubig upang makagawa ng paste. Ilagay ang paste sa pigsa at takpan ng tela ng 20 minuto. Ulitin makailang beses sa isang araw hanggang lumabas ang nana mula sa pigsa.
  • Apple Cider Vinegar- Maghalo ng apple cider vinegar sa tubig. Ibabad ng kaunti ang cotton dito at ilapat sa pigsa. Ulitin ng ilang beses sa isang araw.
  • Bawang- Durugin ang dalawa o tatlong cloves ng bawang at gamitin ang katas para sa pigsa. Ilapat ito gamit ang cotton. Ulitin isa hanggang dalawang beses kada araw.
  • Milk Cream- Maglagay ng milk cream sa pigsa at hayaan muna ng 30 minuto. Ulitin lng ilang beses hanggang sa gumaling.

Kailangan pa ding tandaan na kahalagahan ng kalinisan upang mapabilis ang paggaling ng iyong pigsa sa singit. Sunding maigi ang mga pigsa home remedies na nakasaad dito. Kapag hindi gumaling o kaya ay lumala ang pigsa, marapat na magpakonsulta na sa doktor upang mabigyan ng antibiotic.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pigsa sa Singit – Paano Malulunasan?
2 (40%) 1 vote

loading...